Maraming Pinoy na naninirahan sa labas ng Pilipinas ang magsasabing “ iba pa rin ang Pasko sa Pilipinas. ” Kaya naman maraming tulad kong nandito sa Europa ay nagnanais na makauwi sa ating bansa sa panahong ito ng Disyembre upang makasama ang mga mahal sa buhay ngayong kapaskuhan.

Ilang taon na ring hindi ko nakakasama ang mga magulang, kapatid at buong pamilya ko tuwing  pasko. Nakapag adjust na rin  naman ako pero hindi maiiwasan na medyo may kalungkutan ang aming pasko dahil napakaliit ng pamilya ng aking mister. Huling pasko (2008) ay nakasama pa namin ang kanyang ama pero sa taong ito ay hindi na dahil nasa nursing home na sya. Kaya kaming 2 lamang ng mister ko ang magsasalo ..malamang mula sa paskong ito.

windowseat

shot with Nokia 5800

Naghahangad ba akong “sana ay nakasakay na ako sa eroplanong papauwi sa Pilipinas para makapag-pasko doon!“? OO at hindi.

OO dahil syempre naman ay gusto kong makasama ang mga magulang ko. HINDI dahil hindi ko pababayaang mag-isa ang mister ko ngayong pasko.  Sa hirap o ginhawa, lungkot at saya – iyan ang sinumpaan ko ng kami ay ikasal.

Ito ang kakaibang mukha ng pasko ng isang Pinoy. Pasko ko. Pinoy style, sa labas ng bansa.

windowseat1

shot with Nokia 5800

Maligayang araw ng L.P. sa inyong lahat!

Share