the world from behind her camera
Posts tagged St. Peter’s Basilica
St. Peter’s dome (076)
Mar 18th
Dome of St. Peter’s Basilica, Vatican City.
At present this house of faith is riddled with scandals. Is it the beginning of its end? Are people losing trust and faith?
Read here.
Hiblang pag-asa…nasaan na? (LP 97)
Mar 17th
*Ang mababasa ninyo ay totoong kaganapan. Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang pagsisiyasat sa krimen na ito. Ipagpaumanhin din ninyo na ibang klaseng HIBLA ang aking entry sa araw na ito, nais ko kasing i request sa inyo na ipagdasal si Milly at ang kanyang pamilya.*
Eksaktong isang linggo ang nakaraan ng tumakbo sa himpilan ng pulisya ang nanay ni Milly Boele. Ini report nya na nawawala ang kanyang 12 taong gulang na anak! Ilang oras lamang ang nakakaraan ay kausap pa nya si Milly sa telepono ng biglang sinabi ng dalagita: “de buurman voor de deur, ik moet ga” ( nasa pintuan ang kapitbahay (lalaki) ibababa ko na telepono ) Ang mga katagang ito ay binago ng polisya at imbes na kapitbahay ay ‘may lalaki sa pinto’ ang kanilang ibinahagi sa media…strategy daw ito. Reported as ‘missing’ lang ang dalagita ng unang gabing iyun. More >
Magustuhan o Maibigan (LP 89)
Jan 20th
Noong nakaraang taon, buwan ng Disyembre ay napagpasyahan naming mag-asawa na sa Italia (Roma) iselebra ang aming ika-10 anibersaryo. Makulimlim ang Holland ng nilisan namin pero ganuon na lang ang tuwa namin ng dumating kami sa Italia na sikat na sikat ang araw! Noong nasa Rome Fiumicino Airport (Leonardo da Vinci) pa lang kami ay akala ko hindi ko magugustuhan ang aming pagbisita dahil sa mga arogante ang mga Italiano sa mga kiosks! Kakaiba talaga, na parang galit sila sa mga naglalakbay o turista. Pero syempre walang urungan at nanduon na kami, at isa pa, hindi ko hahayaang sirain ng kung sino lang ang aming anibersaryo, di ba?
Ang matutunghayan ninyo ay loob (ng itaas ) ng St. Peter’s Basilica na binisita namin sa pangalawang araw.
Ang disenyo ng ceramic tile mural na ito ay isa lamang sa makikita nyo kapag naakyat na dome nito. Makipot ito at halos kailangan mo tumabingi para bigyang daan ang mga taong gustong lumakad sa likod o harap mo. ( O siguro kasi mataba ako kaya kailangan ko tumabingi para makadaan sila he he)
*click for a larger image*
Nababakuran ito ng metal..siguro ay para na rin sa kapakanan ng mga dumadalaw o walang magtangkang magpatiwakal dito.
Ang parteng hindi ko nagustuhan ay ang 320 na bilang ng hagdan na kailangan mong tahakin upang maka-akyat dito! Habang himihingal ay sandali akong tumigil upang kunan ang makipot na hagdan…mabuti na lang at winter ng kami ay pumunta doon, naiimagine nyo ba kung gaano kainit dito kapag summer?!
hay naku, talagang hapong hapo ang kasiksikan ko kaya umupo muna ako sa isang tabi…sa labas lang ito ng souvenir store sa itaas ng church na kung saan ay nakilala ko ang isa sa mga madre na nagbabantay sa mga paninda..isa syang Filipina, si sister Fatima..sayang at hindi ako humiling na kunan sya ang larawan.. (yung ale sa larawan ay papasok sa souvenir store)
Ang mga naglalakihang rebulto ng mga santo sa itaas ng simbahan..may rehas kaya hindi sila malalapitan ng husto. Ipinasok ko na lang ng bahagya ang lens ng camera sa pagitan ng mga rehas para kumuha ng larawan..
Ang nagustuhan kong parte, at tiyak na magugustuhan nyo rin …na makita ang ciudad ng Vatican mula sa tuktok ng simbahan. Waging wagi kahit hiningal ang kasiksikan ko.
PS. may isa pala akong hindi nagustuhan ng araw na iyun..nakaligtaan kong kunan ng larawan ang Pieta, ang likha ng mga kamay ni Michael Angelo! (*engot to self*)
enihawkalabaw, sana naman ay nagustuhan ninyo ang aking lahok sa Huwebes na ito…Happy LP sa inyong lahat!!

















Recent Comments