the world from behind her camera
Posts tagged Tamron 70mm-300mm
Pagbabalik ng kanyang bunga (LP 111)
Jun 23rd
Malamang ay nagtataka kayo kung ano ang relasyon ng aking mga larawan sa temang Pagbabalik (return) ngayong Huwebes sa Litratong Pinoy.
Simple lang. Taon taon ay inaabangan ko ang pagbabalik ng mga bungang ito! Kung pwede ko lang awayin ang ang haring habagat malamang ay ginawa ko. Matalik na kaaway ng mga bungang ito ay ang malakas na bugso ng hangin at ulan. Nanghihinayang talaga ako kapag nakikita kong puno ang lupa ng mga nalaglag na bunga dahil dito.
Ang puno ng peras na ito ay nasa aming maliit na hardin sa likod bahay. Ang klase ng peras na ito ay iyong iniluluto, hindi sya kinakain ng hilaw.
crooked tree trunk
Ito ang isa sa aking paboritong dessert na pinaggagamitan ko ng mga bunga ng aming puno. Iniluto sya sa red wine.
Campote de Poires / Pears poached in Vanilla and Red wine
Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!
Bunga ng pagpa-Plano (LP 90)
Jan 27th
Isang parte ito ng aming bakasyon sa bansang Thailand na hindi ko makakalimutan. Involved dito ay isang pamilya ng squirrel.
Sa aming paboritong hotel (at dati kong pinagtrabauhan) ay may ilan na ring uri ng hayop at ibon akong nakita na hindi normal na makikita sa araw-araw. Noong early 1990′s dito ay may makikitang baby elephant na ginamit bilang mascot. Tuwing umaga ay ipinapasyal ito ng kanyang trainer sa iba’t ibang facilidad ng hotel para batiin ang mga hotel guests. Sa ngayon ay ipinagbawal na ng hari ang pagta-trabaho sa mga elepante, na positibong hakbang kung ako ang tatanungin.
Pero bago ako maligaw, balik na tayo sa aking akda.
Isang araw habang nakabilad ang aking mister sa araw sa may pool, ako naman ay namasyal sa paligid. Maraming puno na mahusay na inaalagaan ng mga hardinero dito kaya di kataka-takang pamahayan ng mga squirrels ang mga ito. Dahil hitik sa bunga na kanilang kinakain!
Habang naglalakad ay nakarinig ako ng maliit ng ingay! Aha! May nakita akong nagtatakbuhan sa di-kalayuan. Dali-dali kong tinakbo ang aking camera na binabantayan ni irog at binalak ko ‘mahuli’ ang cute na pamilya!
Hindi ako sure pero parang ito si mama squirrel, tipong pinapagalitan nya si junior dahil ang ingay nito at kung saan-saan nagtatakbo! Aha ulit! Gusto kong makuhanan ng larawan ang makulit na baby squirrel kaya binalak kong abangan sya….
tamang -tama! Kung saan ako nagtatago ay doon naman sya tumakbo para maglaro!
oops! nakita na nya ako!
* mommy….may mumu na may isang mata…mommy!!! * tipong tawag sa ina..ang ingay nya!
Syempre laking tuwa ko at nagbunga ang balak ko. Pero may naramdaman akong ‘nagmamasid’ sa akin..hmmm…
Ito kaya si daddy?
Happy LP, everyone!



















Recent Comments