Kung wala kaya ang mga tali ay magkakaroon ang mga kabataang ito ng lakas ng loob akyatin ang pader? Kung wala kaya ang mga tali ay papayag kaya ang kanilang mga magulang na kanilang baybayin ang pader? Ang sarap naman siguro ng pakiramdam kapag naabot mo ang tuktok!

Naalala ko tuloy ang umbilical cord ng nagdudugtong sa buhay ng sanggol sa kanyang ina. Ang TALI NG BUHAY! Sa sitwasyon sa larawan, hindi ba ang kanilang mga lubid ang nagsisilbing umbilical cord nila? :)

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!