the world from behind her camera
Thank you…and please come again! (LP 86)
Upang ipaalam ang ating pasasalamat, maraming paraan ang ating ginagawa. We shake people’s hands. We send gifts. We say ‘thank you’ . May naiiyak pa nga habang nagpapasalamat kasi sobrang saya nya, di ba? May mga restaurants na namimigay ng mga trinkets sa kanilang mga clients. May malalaking kumpanya na nagbibigay ng bonus sa kanilang mga manggagawa. May mga tindahan naman na namimigay ng goodies sa kanilang mga suki. Kagaya ng litrato (recycled) sa itaas. Isang grocery na malapit sa amin at laging tinatakbuhan ko para sa supplies , ganyan ang ibinibigay taon-taon!
Pero hmmm, kung iisipin ko hindi naman talagang 100% na pasasalamat eh, kundi marketing strategy pa rin. Kasi kailangang mag-ipon ka ng 50 stickers (worth €10 of gorcery, you get a sticker) para maka-avail ka ng ‘free box’ . So 50 x €10=? LIBRE NGA BA? PASASALAMAT NGA BA?
Hay naku, basta ako, NAGPAPASALAMAT SA INYONG WALANG SAWANG PAGDALAW SA AKING ABANG BLOG. NAGPAPASALAMAT DIN AKO NG DAHIL SA LITRATONG PINOY KAHIT PAANO AY NAKAKILALA AKO NG MABABAIT NA TAO.
MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!
| Print article | This entry was posted by Thess on December 30, 2009 at 5:14 pm, and is filed under Litratong Pinoy, meme. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |











about 2 years ago
Ask hubby, advertising ang linya nun eh wahaha. Pero ok na din dahil dun sa 10euro na nabili mo in the end me dagdag naman kahit papano? (naintindihan ko ba to lol)
Nywei salamat din, di ko na isa isahin hehe. :p
[Reply]