The city that was Rome. (LP 138: Ala-ala)

Join us at Litratong Pinoy .Com

Nasa highschool ako ng magsimula akong mangarap makarating sa iba’t ibang lugar. Yun ba’ng dahil sa world history subject ay napukaw ang curiosity ko. Unang bansa na talagang ginusto ko mapuntahan ay ang Ehipto, dahil sa kanyang pyramids. Kakaiba nga ako kasi ang marami sa kakilala kong ka-edad ko noon ay ‘America’ and sagot kapag tinanongmo kung saan nila gusto pumuntang bansa. Ako ay Ehipto ang aking sagot.

Subalit hanggang sa ngayon ay hindi ko pa napupuntahan ang bansang ito. Sana naman ay bago ko ipikit ang aking mga mata ay matupad ang pangarap na ito.

Pero isang lugar na aking napuntahan ang talagang masasabi ko na hinding hindi ko makakalimutan pa. Binabalak na naming mag-asawa na balikan ito dahilan sa magandang ala-ala na idinulot nito. Kagaya ko ay gustong makita rin ng aking mister ang mga pyramids sa Ehipto pero dahil sa ang mapuntahan ang ciudad na Roma ay kasama sa aming pangarap, amin itong pinuntahan noong Disyembre 2009.

Sa tourist bus pa lang ay natahimik lahat ng pasahero (kasama na kami) ng tumambad sa aming pangin itong Colosseum.

Kakaibang pakiramdam ang dulot ng gusaling ito..at  least para sa akin at aking esposo. Ipikit mo lamang ang iyong mga mata ay para ba’ng narooon ka sa panahong buo pa ito, maingay ang kapaligiran dahilan sa mga ‘palarong’ nangyayari sa loob nito na kung saan ang mga ‘gladiators’ ay ginagawa ang lahat para lamang sila ay manatiling buhay! Nai imagine nyo ba na ikinatutuwa na ay nagbabayad pa ang mga tao noon upang makita lamang ng dugo at may nagpapatayan?

Mga litratong kinuha ko sa aking baol, may mga nai post na akong iba noon subalit ang mga ito ay kasama sa set at ngayon ko lang nailathala.

Sa unang larawan ay makikita ninyo ang nalalabing piraso ng outer wall ng Colosseum.  Tinibag ng mga tao ang malaking parte ng Colosseum upang gamitin sa pagtatayo ng kanilang mga bahay. Kahit ang ibang materyales na ginamit sa St. Peter’s Cathedral sa Vatican ay galing sa Colosseum.

Pag-kagat ng takip silim ay may nagpapatrolyang auto ng pulis na paikot ikot sa Colosseum. Ilang beses din na tinigilan nila ako dahilan sa nakaupo lang ako ng matagal sa harap nito at nakatingala…nakatulala. Hindi nila alam ako ay hangang -hanga sa aking nakikita!

Napakagandang ala-alang iniwan sa ciudad ng Rome ng kanilang ninuno.  Saludo ako sa gobyernong italyano at kanyang mamamayan sa pagmamahal sa mga ala-alang nakapaligid sa kanila.

Happy LP, everyone!

This entry was posted in Litratong Pinoy. Bookmark the permalink.

7 Responses to The city that was Rome. (LP 138: Ala-ala)

  1. Iris says:

    aylaveeet! ang ganda tita thess, especially the 2nd photo.
    Iris´s last blog post ..minsan naalala kita

  2. emarene says:

    Ang ganda ng mga litrato mo – kaya mas lalo napukaw ang aking "panaginip" an marating ang lugar na eto. Kasama kasi eto sa aking bucket list. Galing!

  3. upto6only says:

    naku ang ganda Rome. Kaingit gusto kong pumunta din dyan.

    Happy LP
    upto6only´s last blog post ..LP- Ala-Ala

  4. Mauie says:

    Ang ganda! Pangarap kong makapunta diyan.
    Mauie´s last blog post ..LP 138- Ala-ala Memories

  5. luna miranda says:

    wow,wow,wow! tulo-laway ako sa mga litrato mo, sistah! gusto ko rin makita sa personal ang Colloseum. sayang, hanggang Milan lang ako noon at bitin ang oras para pumunta pa sa Rome.:(

    Greece naman ang childhood dream mo na marating. Sa kababasa ko noon ng Greek mythology, gusto kong makita ang Athens.:p
    luna miranda´s last blog post ..Alaala Memory- Remembrance

  6. Marites says:

    isa sa mga lugar na gusto kong mapuntahan..ang gaganda ng kuha mo, tukayo! maligayang LP!
    Marites´s last blog post ..Litratong Pinoy125 Ala-ala Memories

  7. Arlene says:

    wow! i think stare in wonder too looking up the building.

    Great shots, Thess!
    Arlene´s last blog post ..LP- Ala-ala

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Current day month ye@r *

CommentLuv badge