the world from behind her camera
Waterkip (LP 144: Itim)
Join us at Litratong Pinoy .Com
‘Waterkip’(dutch)
Kung ating ita-translate ng literal, ‘tubig-manok’ ..yan po ang tawag sa kanya dito sa Holland. Maraming type ang specie na ito pero ito ang madalas kong nakikita sa paligid namin. Itim ang kanyang kulay na may mapulang mga mata.
Winter, springtime, summer o fall, all year round ay makikita sila sa paligid. Hindi tulad ng ibang ibon na nagma-migrate sa ibang bansa kapag malamig o sobrang init, ang waterkip ay laging nakapigil sa mga tubig sa paligid. Kapag wintertime na halos wala silang makain, sila ay dinadalhan ng mga tao ng pagkain. Subalit itong panahon na ito nang Tagsibol sila, kagaya ng mga ducks ay ‘busy’ . Busy sa pagkukumpuni ng mga hihimlayan ng kanilang itlog. Mating season, ika nga.
Protected sila ng law, walang pwedeng gumalaw, manakit sa kanila. Kaya naman namamayagpag ang kanilang bilang. Wala silang kaaway kundi sila-sila lamang ng kanyang kauwi kapag nagkaka-agawan ng teritoryo.
Happy LP sa inyong lahat!
| Print article | This entry was posted by Thess on March 23, 2011 at 5:09 pm, and is filed under Litratong Pinoy. Follow any responses to this post through RSS 2.0. You can leave a response or trackback from your own site. |



about 1 year ago
Winterruhe animals sila di ba? mabuti naman kung protektado sila…at least hindi mauubos hehe.
Mirage´s last [type] ..Itim Black
about 1 year ago
first time to see this type of bird. mahirap mag-photo ng birds. maganda ang pagkakuha mo sa kanya kasi kuha lahat ang kulay ng mukha at katawan.
maligayang LP.
about 1 year ago
hmmm lahi sila ng manok
kakaibang ibon. ah buti at may batas dyan para sa kanila.
about 1 year ago
ambabait naman ng mga tao upang dalhan sila ng pagkain
Heto ang aking lahok.
Maligayang Hwebes!
Dyes´s last [type] ..LP- Itim
about 1 year ago
Mukhang "in" ang mga ibon sa LP ngayong linggo ha – may gansa, waterkip at uwak…
Great minds think alike talaga – hahaha!
TheOzSys´s last [type] ..LP 144- Itim Black
about 1 year ago
naku, kung sa atin ay baka litson na yan
Dinah´s last [type] ..Litratong Pinoy- Itim
about 1 year ago
ganda ng light. gusto ko rin yong mga berdeng damo sa foreground. a beautiful shot.
Luna Miranda´s last [type] ..Itim Black